Marami sa ating mga Pinoy vloggers ang nakakapagbigay ng positive vibes. Ganitong mga Pinoy vlogger ang tinatangkilik ko para maging masaya naman ang araw ko.
Alam ko na maraming mga sikat at magagaling na vloggers sa Pilipinas. Ang mga babanggitin ko dito na YouTube channels ay hindi milyones ang bilang ng kanilang followers o subscribers. Dalawa lang ang criteria ko sa pagpili: positive ang message nila, at pinafollow ko sila.
So narito ang tatlo kong favorite Pinoy YouTube channels. Take note na silang lahat ay babae, at iyan ay dahil babae rin ako.
Sa ngayon ay tatlo pa lamang ang nasa listahan ko, pero maaari pa itong maragdagan in the future.
LUCY TORRES-GOMEZ
Bago lamang ang channel na ito ni Lucy Torres-Gomez, ngunit may luma siyang channel na Love Lucy ang tawag. I think itong bagong channel na ang pinagtutuunan niya ng pansin.
Tungkol sa wellness, beauty, and home crafts ang tinatalakay ni Lucy. Nagtuturo siya ng mga natural remedies sa sipon at ubo, table setting, paano mag-decoupage, gumawa ng envelope, at mga simpleng home projects. Hindi malalim ang mga tinatalakay niya, ngunit may matutunan ka rin. Para siyang Martha Stewart ng Pilipinas.
Nakaka-relax lang panoorin ang kaniyang channel.
Narito ang isa sa mga videos niya.
ELLE UY DECOR
Si Elle Uy ay isang home decorator at sa vlog niya ay isinasama niya ang kaniyang manonood sa mga proyektong ginagawa niya. Ipinapakita niya ang before at after ng kaniyang mga project.
Nakakaaliw siyang panoorin kasi, una, ang ganda ng gawa ni Elle Uy. Swak sa budget ang mga project niya at swak din sa mga taong simple ngunit elegante ang panlasa pagdating sa decoration. Pangalawa, she’s so bubbly. Nakaka-good vibes siyang pakinggan kasi lagi siyang masaya at excited sa mga ginagawa niya.
VILMA SANTOS-RECTO
Aaminin ko na noon ay hindi ako big fan ni Ate Vi. In fact, Noranian ako noong araw hahaha!
Pero dahil nakita ko ang paglago ng pagkatao ni Ms. Vilma Santos-Recto at pati na rin ang mga achievement niya bilang lingkod-bayan, napahanga niya ako talaga. Masasabi ko na she’s one of the Filipinas I admire the most.
Sa YouTuube channel ni Ate Vi ay makikilala natin lalo ang isa sa mga pinakasikat at pinakamahusay na artista sa bansa. Napaka-masayahin pala niya. Laging nakangiti. Madaling mapatawa.
Nakakaaliw din makita kung gaano sila ka-close nila Ryan, Lucky at asawa nitong si Jessy Mendiola.
Kapag nakikita ko ang ngiti ni Ate Vi, gumagaan din ang aking pakiramdam.
Gaya ng vlog ni Ms. Lucy Torres-Gomez, ang YouTube channel ni Ate Vi ay bagong-bago. In fact, nakakadalawa o tatlo pa lamang siya na post.