Empty Your Cup – in Tagalog

Isang araw ay may dumating na bisita ang isang Japanese Zen master na ang pangalan ay Nan-in.

Ayon sa alamat, ang bisitang ito ay mahalagang tao. Isang university professor.

Ang sabi ng professor kay master Nan-in, “Guro, maaari mo ba akong turuan ukol sa Zen?”

Tiningnan ni master Nan-in ang professor, at sinabi, “Maupo ka muna at mag-tsaa.”

Pinaunlakan naman ni professor ang alok ng guro.

Kumuha ng tsaa at tasa ang master at inihain sa harap ng professor. Pagkatapos ay nilagyan ni master Nan-in ng tsaa ang tasa ng professor. Ngunit sa halip na tumigil ang master nang ang tasa ay mapupuno na, patuloy na nilagyan ng guro ng tsaa ang tasa hanggang sa ito ay umaapaw na. Hindi nakapagpigil ang professor at sumigaw,

“Guro, umaapaw na po ang tasa! Wala na pong paglagyan ang tsaa!”

Mahinahon na sumagot ang master, “Katulad mo lang ang tasa na ito. Punung-puno ka ng opinyon at spekulasyon. Paano ka matututo kung ayaw mong itapon ang laman ng tasa mo?”

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s