“Promise, mamaya mag-eexercise na uli ako. Promise, magpapayat na ako. Promise, mag-aaral na akong mabuti. Promise, titigil na akong manigarilyo.”
Nagsimula ka nga, pero after one week o baka nga dalawang araw lang, balik ka na naman sa dating gawi.
So everytime na sisirain mo ang pangako mo sa iyong sarili, parang nanliliit ka. Feeling like a failure ka.
Lahat naman tayo may ganitong moments. Lahat tayo ay dumadaan sa ganyan.
So paano ba ang gagawin para mapanatili ang motivation natin sa ating sarili?
Willpower lang ba iyan?
May iba nagsasabi na ang motivation ay ilusyon lang. Hindi totoo. Hindi kailangan.
Ano ba ang motivation?
Trivia: ano ba ang motivation sa salitang Tagalog? Ayon sa Google translate, ito ay: pagganyak, pangganyak, pagbubuyo, o pag-uudyok.
Okay, balik na lang tayo sa English term. I'm sure nagkakaintindihan naman tayo. Lol!
Ang motivation ay ang gana mo na makamtan ang isang mithiin, layunin, o bagay na kinakailangan mo. Ayon sa Health Direct, ang lakas ng iyong motivation ay nakasalalay sa tatlong bagay:
- Gaano mo kagusto ang isang bagay
- Ano ang reward mo kapag ito ay nakamit mo na
- Ano ang iyong mga personal na inaasahan o expectations
Bakit ba mahalaga ang motivation?
- Nagkakaroon ka ng mga layunin at direksyon sa buhay
- Natututo kang humanap ng lunas sa iyong mga suliranin
- Napapalitan mo ang iyong mga dating nakagawian
- Nagkakaroon ka ng ng mga bagong oportunidad
Kadalasan kapag may bago kang goal, nararamdaman mo na agad na mataas ang iyong motivation. Ganadong-ganado ka.
Ang kaso, hindi mo napapanatili sa mataas na level ang iyong gana.
So paano mo nga ba mapapanatiling malakas ang iyong motivation?
Narito ang ilang tips na nakalap ko sa aking research ukol sa topic na ito:
- Take one small step at a time. Ibig sabihin, kung malaki ang iyong layunin, hatiin mo ito sa maliliit na layunin. Halimbawa, kung ang goal mo ay mabawasan ang iyong timbang ng 10kg., hatiin mo ito sa tig-isang kilo kada dalawang linggo at mag-focus sa tig-isang kilo na kailangan mong mabawas.
- Isipin mo at planuhin mo kung paano mo maipapasok sa araw-araw mong buhay ang iyong layunin. Paano mo ba ito maisisingit? Anong hakbang ang kailangan mong gawin para maabot mo ang iyong layunin? Kelan ang target mo para dito?
- Mag-set ka ng regular reminder para sa layunin mo.
- Humingi ka ng support mula sa iyong mga kaibigan o kapamilya. O kaya ay humanap ka ng support group sa mga social media.
- Focus on your small successes and not your failures. Hindi maiiwasan ang minsan ay mabigo, magkamali, makalimot, o kaya ay tamarin. Kung mangyari ang alinman diyan, move on. Huwag mo nang pagalitan pa ang iyong sarili. Don’t beat yourself up. Instead, celebrate your successes, gaano man ito kaliit. (Ngunit kung nagpapayat ka, huwag mo namang i-treat ang sarili mo ng cake o ice cream. Mababale-wala ang iyong tagumpay. Lol!) Bago ka pa man mag-umpisa, isipin mo na kung paano mo irereward ang iyong sarili kapag may isang hakbang o layunin kang natapos.
- Makakatulong ng malaki ang positive self-talk o daily affirmations. Iwasan ang mga salitang, “hindi ko kaya,” o “ang hirap naman.” Instead, sabihin mo sa sarili mo na kaya mo. “Kaya ko ‘to!”
- Kapag naramdaman mo na bumababa ang iyong motivation level, balikan mo ang iyong purpose. Bakit mo ba ito ginagawa? Para ba sa ekonomiya? Para sa kalusugan? Para sa peace of mind? Laliman mo ang hugot sa iyong layunin.
- Upang hindi ka mabugnot (o ma-bored), mag-isip ng mga bago, kakaiba, at fun ways upang makamtan ang iyong layunin.
- Ayon sa mga eksperto, mga tatlong buwan bago maging habit ang isang bagay. So sa loob ng tatlong buwan, try and try and try ka lang hanggang sa maging habit sa iyo ang isang bagay.
- Magbasa ng mga self-help books, blogs (gaya nito) o iba pang babasahin ukol sa topic na ito.
- Humanap ka ng isang mentor upang magkaroon ka ng support, teacher, at coach all at the same time.
- O kaya ay umattend sa mga self-help classes. Hindi lamang potential mentor ang makikilala mo sa ganitong paraan, pati na rin ibang tao na kapareho mo ng interes at maaaring maging support o kaibigan mo balang araw.
- Layuan mo ang mga negative people. Makihalubilo sa mga positibong tao.
- Kung nag-lapse ka, huwag ma-discourage. DON’T start all over again. Instead, pick up where you left off. Nakakawalang-gana ang isipin na magsisimula ka uli sa umpisa. Kaya ang isipin mo ay tinutuloy mo lang ang nasimulan mo na.
- Stop multitasking. Experts now say that multitasking is a myth. Mag-focus ka sa isang bagay, one at a time. You can’t watch TV, use Facebook, and write a blog post simultaneously.
- Get away from distractions. Do what you must to avoid being distracted. Turn off your cellphone, turn off the TV, lock yourself in your room, go to a cafe.
- Visualize yourself succeeding. Gabi-gabi, ivisualize mo ang sarili mo na tagumpay sa iyong layunin. Makakatulong ito nang malaki.
Magandang tandaan na ang motivation ay hindi nanggagaling sa panlabas. Motivation starts from within. At ikaw lang ang makakahanap nito sa iyong sarili. Nasa kamay mo kung paano ito palalakasin.