Isa sa mga epektibong pamamaraan na ginagamit para sa Law of Attraction upang magkatotoo ang ating mga pangarap o mithiin sa buhay ay ang paggawa ng vision board.
Ano ba ang vision board? Ito ay isang visual representation ng iyong mga pangarap o mga gustong mangyari sa iyong buhay. Dati, ang ginagawa namin ay gumugupit ng mga larawan mula sa mga magazine o diaryo para idikit sa isang bond paper o kaya ay illustration board. Pagkatapos ay isinasabit o idinidikit ito sa isang lugar sa aming kwarto o tahanan na madalas makita.
Sa panahon ngayon, hindi na kailangan pang bumili ng magazine o diaryo para makagawa ng vision board. Gamit ang inyong smartphone, tablet, o computer/laptop, maaaring makagawa ng isang magandang vision board.
Sa videong ito ay ituturo ko sa inyo paano gumawa ng vision board gamit ang isang smartphone.
(Isinulat ko rin ang mga instruction ukol dito sa article na ito. Makikita ito sa ibaba ng video.)
Narito ang instructions sa paggawa ng vision board gamit ang smartphone:
Step 1: Pag-isipang mabuti ano ang mga pangarap mo sa buhay. Huwag madaliin ang pag-iisip. Paglaanan ng karampatang panahon.

Step 2: Isulat sa papel ang lahat ng naisip. Maaaring gumawa ng dalawang kategorya: long-term at short-term goals.

Mga halimbawa:
- Sariling bahay
- Makatapos sa kolehiyo
- Magkaroon ng trabaho sa isang magandang kumpanya
- Makabili ng sariling kotse o sasakyan
Step 3: Sa iyong smartphone, buksan ang web browser at i-type mo sa search box ang keyword kaugnay ng una mong goal. Sa ating halimbawa, ang ginamit ko na keyword ay “house and lot”. Sa Images, maghanap ng mga larawan na gusto mo kaugnay sa una mong goal.

Step 4: I-save sa iyong smartphone ang mga larawan na iyong nagustuhan. Sapagkat para sa iyong pribadong gamit ang mga larawan, huwag mong alalahanin masyado ang ‘copyright’ issues. Siguraduhin lamang na hindi mo ito ipa-publish sa publiko.

Step 5: Ulitin ang proseso para sa iba pang mga pangarap.
Step 6: Pagkatapos ay buksan ang presentation app ng iyong smartphone. Sa gamit kong smartphone, ito ay ang “Keynote” na app. Mag-create ng ‘blank’ file at ‘blank’ page sa iyong file. I-copy and paste ang mga larawan na iyong napili para sa bawat isang goal. (Mamili lamang ng isa para sa bawat goal upang hindi masyadong magulo ang vision board.) I-save ang vision board sa iyong smartphone.

Narito ang ating finished vision board ayon sa ating halimbawa.

Maaari ding lagyan ng mga power words ang iyong finished vision board gaya sa larawang ito.

Step 7: Masdan regularly ang iyong vision board sa iyong smartphone. Kapag ito ay iyong tinitingan mo, isipin mo ang kasiyahang iyong mararamdaman kapag natupad na ang iyong mga pangarap.