Hirap Humanap ng Trabaho?

 

Why not try to use the Law of Attraction through the power of your mind? Wala namang mawawala sayo kung ito ay iyong susubukan. Mapapalakas nga ng exercise na ito ang iyong Isip.

All you need is about 20 minutes a day of creative visualization. You don’t have to tell other people what you’re doing. In fact, it is better NOT to let others know what you are doing para maiwasan na madikitan ng negative thoughts ang iyong layunin.

Why not try this?

1. Maghanda ng ballpen at papel. Maglaan ng oras upang pag-isipang mabuti anong uri ng trabaho at sahod ang gusto mong makamit. Isulat sa papel ang uri ng trabaho at sahod na gusto mo.

2. Maglaan ng mga 15 minutes kada araw para sa gagawing visualization. Mas maigi na sa bandang umaga pagkagising o sa gabi bago matulog ito gawin. Mas maigi na sa parehong oras din ito gagawin araw-araw.

3. Sa takdang oras, siguraduhin na walang makakaistorbo sayo. Patayin muna ang cellphone, at i-lock ang pintuan sa iyong kwarto o kung saan mo man ito gagawin. Pagbilinan ang iyong mga kasama na huwag ka munang istorbohin sapagkat ikaw ay magdarasal.

4. Magsuot ng maluwag na damit upang makahinga ng maayos. Umupo ng komportable sa isang upuan na may sandalan. Huwag kang mahihiga sa kama upang maiwasan na ikaw ay makatulog.

5. Kung nais magdasal bago gawin ang visualization, maaaring umpisahan ito sa pamamagitan ng dasal o panalangin sa Diyos.

6. Ipikit ang mga mata. Huminga nang malalim at mabagal ng mga ilang sandali. Simula sa iyong paa, sabihin mo sa bawat parte ng iyong katawan na mag-relax habang patuloy na humihinga ng malalim at mabagal. Sa bawat paghinga mo ay nararamdaman mong narerelax ang iba’t ibang bahagi ng iyong katawan. Tila mabigat ang katawan at para itong natutulog ngunit ang diwa mo ay gising.

7. Alalahanin ang isinulat sa papel (uri ng trabaho at sahod na gusto mong makamit). Mag-create ng scenario sa isip na ikaw ay natanggap sa trabahong gusto mong gawin. Halimbawa, nakatanggap ka ng tawag mula sa isang tao at sinasabing ikaw ay tanggap na sa trabaho at maaari ka nang magsimula kaagad. Ang halaga ng sweldong inaalok nila sa iyo ay _____. Tuwang-tuwa ka sa natanggap mong balita. Masaya mong ibabalita sa pamilya mo at mga kaibigan ang bago mong trabaho. Tuwang-tuwa din sila para sayo. Dumating ang araw na ikaw ay nasa trabaho na. Isipin mo na ikaw ay masaya sa iyong ginagawa, mabait ang iyong boss at matulungin ang iyong mga katrabaho. Maganda ang inyong pagsasamahan sa trabaho kaya’t magaan ninyong nagagawa ang mga gawain sa kumpanya. Dumating ang araw ng iyong unang sahod. Ibibigay sa iyo ang payslip at nakasulat doon ang halaga ng sahod na gusto mo. Masayang-masaya ang iyong pakiramdam. Pupunta ka sa banko upang i-withdraw ang halaga ng iyong sweldo. Makikita mong hawak mo ang halagang gusto mo. Magpasalamat ka sa Diyos sa trabahong ito at sabihin mo na pag-iigihan mo ang iyong pagtatrabaho bilang pasasalamat sa biyayang iyong tinanggap.

Maaari mong palawakin pa ang iyong visualization. Dagdagan ng mga scenarios na gusto mo. Maging maingat lang na wala kang negatibong maiisip. Maging focused ka sa uri ng trabahong gusto mo, sa sahod na gusto mo, at pagiging maligaya sa pagkakamit mo ng iyong mga kagustuhan. Dito lang dapat uminog ang takbo ng iyong creative visualization para sa layuning ito.

8. Bago mo idilat ang iyong mga mata ay sabihin mo nang malakas (di ka naman kailangang sumigaw hihihi) ang iyong affirmation – Ngayon ay nakamit ko na ang trabaho at sahod na aking gusto. Salamat sa Diyos sa biyayang aking tinatanggap. (Sabihin mo ito nang buong paniniwala at paninindigan. Huwag mag-isip ng ibang bagay habang sinasabi ito.) Maaari itong ulitin ng tatlong beses.

9. Sa maghapon ay iwasan na isipin ang ginawang creative visualization. Ang aksyon sa iyong parte ay mag-apply lang sa uri ng trabaho at mga kumpanyang gusto mo. Maging masipag lang sa pag-aapply at sumampalataya na ipagkakaloob sa iyo ang iyong kagustuhan.