6 Effortless Steps to a Positive Mindset

Ayon sa resulta ng survey ng SWS as of Dec. 2018, 50% ng mga Pilipino ang ITINUTURING ang kanilang mga sarili na mahihirap. Anong ibig sabihin nito, lima sa kada sampung Pinoy ang TINGIN sa kanilang mga sarili ay mahirap. Iyan ang kanilang paniniwala, ang kanilang pananaw.

Ang totoo, ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noon 2015 (ito ang latest), ang aktwal na bilang ng mahirap na Pilipino sa bansa ay 21.6% lamang, o mga nasa 2 sa kada 10 tao ang totoong mahirap.

Lumalabas yung tatlong tao na ang TINGIN nila sa sarili nila ay mahirap ay HINDI TOTOONG MAHIRAP.

I’m quite sure that those 30% who believe themselves poor but are not actually poor by its proper definition are living like they are poor. Nabubuhay sila na PARANG mahirap. They have what is called the POVERTY MINDSET.

That’s why I want you to understand the POWER OF YOUR BELIEFS, the POWER OF YOUR MIND TO ADAPT A CERTAIN BELIEF. Because your beliefs can make a difference in your life.

Ikaw, ano kaya ang default MINDSET mo?

Everything begins with the MIND, with your thoughts, with your beliefs. I’m sure narinig mo na iyan, alam mo na iyan. At minsan ay pinipilit mo na gawing positibo ang iyong isip. Pero alam ko na hindi madaling gawin iyan, lalo na kung nahaharap sa kabiguan, pagsubok o problema. Sino ba naman ang kakayanin na parating positibo ang isip kung kaliwa’t kanan ang masamang balita sa telebisyon, radyo o sa social media? Ang hirap! (See, that’s a negative thought.)

Alam ko that it’s almost impossible to keep a positive or wealthy mindset 100% of the time. That’s why it’s important to begin by setting aside a certain amount of time in a day to focus on positive ideas, your dreams, your goals, what you desire in life. Para din silang halaman na kailangan mong diligan kahit isang beses isang araw para lumago.

Here are six absolutely easy things to do to shift to a more positive mindset and stop your negative thinking:

1. Be thankful for every little thing.

Napansin ba ninyo ang ugali ng Pilipino kapag Pasko? Binigyan mo na ng regalo nagreklamo pa kasi di niya type ang binigay mo? Huwag tayong maging ganyan. Kung may nagbigay sa atin ng kahit na maliit na halaga o bagay, magpasalamat tayo. Kung may tumulong sa atin, magpasalamat tayo. Kung may nagbukas ng pinto para sa iyo, magpasalamat ka. If someone gives you a compliment, say “Why thank you very much!”

Tingnan mo ang kapaligiran mo at marami kang makikitang bagay na dapat ipagpasalamat sa Diyos. Ang sikat ng araw na nagbibigay sa atin ng liwanag at buhay sa lahat ng nilalang. Ang hangin na kailangan natin para mabuhay. Ang ating pamilya na lagi nating kasama, sa hirap at ginhawa.

If you can keep a journal, much better. Pero you don’t have to. Bago matulog o pagkagising, isipin mo ang mga gusto mong ipagpasalamat at magpasalamat ka sa Diyos.

2. Bawasan ang panonood o pagbabasa ng balita.

Nakaka-stress ang mga balita ngayon at nakakadagdag ng takot. Kapag madalas kang manood ng balita, parang laging magugunaw ang mundo dahil sa kasamaang naririnig mo. Hangga’t maaari nga, huwag ka muna manood o magbasa ng balita sa loob ng isang buwan. Yup, tama ang narinig mo. HUWAG KA MUNANG MANOOD NG BALITA SA LOOB NG ISANG BUWAN. Subukan mo at mapapatunayan mo na nakakagaan siya ng pakiramdam. Gawin mo ito sa bawat taon – magbakasyon muna mula sa masasamang balita.

3. Bawasan din ang panonood ng mga teleserye.

Dahil sila ay visual at sadyang emosyonal, madaling tanggapin ng subconscious ang mga nilalatag na mga sitwasyon, eksena, karakter, at paniniwala sa mga teleserye. Dahil nakaupo ka lang at nakatitig sa isang t.v. box, nare-relax ang katawan at ang isip, para kang nahihypnotize sa pinapanood mo kaya mabilis natatanggap ng subconscious ang mga bagay na nakikita doon. (See my ebook to learn more about how the mind works.)

4. Magbasa ng mga libro (ebook, physical book) at mga blog sa internet ukol sa Positive thinking, law of attraction, manifestation, achieving goals, changing mindset etc.

Do this EVERY SINGLE DAY because you are training your mind to do something that is new. Hindi sanay ang isip mo na mag-isip ng positibo, sanay siya sa negative mindset kaya kailangan din siyang turuan. That’s why you have to do this everyday. Consider it your vitamins and supplements for mental health and well-being.

Hindi sapat ang mga ‘quotes’ lang. Kung ‘quotes’ dapat mahaba-haba at madalas ang pagbasa para maging effective. Dapat kasi na pumasok sa subconscious ang idea.

Marami ding available na motivational and inspirational videos sa YouTube. Kung ayaw mo magbasa, ito ang hanapin mo. Hangga’t maaari, araw-araw ka ding manood ng ganitong uri ng mga video.

5. Piliin din natin ang ating mga kausap at kahalubilo.

Nahahawa tayo kasi sa isip ng iba. Naiimpluwensiyahan tayo ng paniniwala ng ibang tao. Dumistansiya tayo ng kaunti sa mga taong napansin natin na maraming reklamo at puro negatibo ang sinasabi.

NEVER EVER REVEAL your desires and goals to others, lalo na sa mga ganitong uri ng tao. Pangalagaan at protektahan mo ang iyong mga pangarap mula sa mga taong negatibo upang hindi ito madikitan ng negative vibes. Nakakasira ng diskarte ang “ma-nega” ang mga pangarap mo sa buhay, hindi ba.

6. Write down your goals and, everyday, set aside 15-20 minutes visualizing your goals.

Para sa akin, mas gusto ko itong ginagawa bago matulog dahil gumagaan ang pakiramdam ko. I am ending my day on a positive note and it feels good. I am able to forget my worries before I go to sleep, which is important. We don’t want to go to sleep angry and upset because the subconscious/unconscious is very active while we sleep.