Sa visualization ginagamit mo ang iyong imahinasyon para makuha mo ang iyong pangarap sa buhay gaya ng tagumpay, pera, bahay, magandang kalusugan, pag-ibig ng isang babae o lalake. Pwede mo rin ito gamitin para mahanap ang isang nawawalang bagay, makakuha ng isang impormasyon atbp.
Mahalaga na gawin natin ito lalo na kung marami tayong luma at negatibong mga paniniwala tungkol sa ating sarili, tungkol sa pera, sa kayamanan, sa mundo in general. Mga paniniwala na natutunan natin nang tayo ay mga bata pa. Mga paniniwala gaya ng “money is the root of all evil,” “wala ka nang ginawang tama!” “hindi napupulot ang pera,” “hindi naman ako sumusuka ng pera,” “pasaway ka!” Na-program tayo ng mga ganitong salita mula sa ating mga magulang at nakakatanda sa atin. Kaya kailangan nating i-reprogram ang ating subconscious.
(Although natutunan natin ang mga ganitong paniniwala mula sa ating mga parents at ibang adults, hindi natin sila dapat sisihin o hindi tayo dapat magalit sa kanila. Ang mga ganitong kaisipan ay minana lang din nila sa mga nakakatanda sa kanila noon. Bukod diyan, totoo naman din na noong kabataan natin ay hindi pa tayo ganoon ka-responsable sa ating sarili kaya lagi tayong napapagalitan.)
Upang ma-reprogram ang ating subconscious, we need new ideas, principles, concepts, ideals, aspirations and inspirations. Isulat mo ang mga bago at positibong paniniwala na gusto mong maging bahagi ng iyong bagong pananaw at bagong sarili. Isulat mo sila sa isang notebook o kaya sa index cards.
Unti-unti mo silang baguhin sa pamamagitan ng tatlong hakbang na ito:
- Relaxation or getting your body in a relaxed or almost trance-like state.
- Visualization
- Affirmation
Sounds simple? Of course it is! All you need is at least 15 minutes a day to do all of these. You will be amazed at the results.