Do you have a secret to success?

Minsan tinanong ako ng pinsan ko – “Do you have a secret to success?”

Napangiti lang ako sa tanong niya dahil nang mga panahon na iyon hindi ko pa naisip paano ko nga narating ang ‘success’. Siguro din dahil iba-iba ang definition natin ng success. Hindi ako yung tipong kinukumpara ang sarili sa iba.

Pagkaalis ng pinsan ko, doon ko inisip yung tanong niya. Ang totoo, meron nga akong sikreto. Pero paano ko isheshare sa kaniya yon? At maniniwala ba siya dito?

Because it’s so simple. The principle is so simple, anyone can start doing it now, no matter where you are. It does not require any special knowledge, any special tool or equipment. Everything that you need will come to you later as necessary. Ang kailangan lang is the imagination, learning how to focus it, and lots of practice. In the beginning, oras at tiyaga lang ang kailangan.

But, handa kaya ang pinsan ko na makinig sa akin? Minsan kasi, tayo ay nagtatanong lang pero sa totoo di naman tayo handang malaman ang sagot.

Kaya naisip ko na bigyan siya ng kopya ng The Secret (movie). Although hindi The Secret ang diretsahan nakaimpluwensiya sa akin, wala pa kasi ang pelikula at aklat na ito noong nagsimula akong magtrabaho, pero nasa The Secret ang basic principle ng konseptong alam ko.

True enough, hindi siya handang malaman ang Secret to Success na alam ko. Pagkanood niya ng pelikula, sabi niya sa akin, “Akala ko naman kung ano yang The Secret. Wala naman pala.”

Mind you, itong pinsan ko na ito is a certified ‘tambay’ at, sa edad na 50, ay dependent pa rin sa magulang. Funny.

As for me, lesson learned. Hindi lahat ay handang malaman ang sistemang ito. Hindi lahat ay makikinig because they think it’s so simple and how can such a simple thing be the secret to success?

Still, I believe it must be shared. Baka sakaling makatulong sa iba nating kababayan. I’m sure may isang Pilipino na handang malaman at subukan ito. Sana ay makarating sa kaniya ito.

%d bloggers like this: